PNP ikakalat ang 400 karagdagang pulis sa MM

IKAKALAT ng Philippine National Police (PNP) ang 400 na karagdagang pulis sa Metro Manila ngayong pumasok na ang “ber” months kung saan ayon sa ahensya ay panahon ng paglaganap ng krimen.

Ayon sa PNP, nagdagdag sila ng mga magrorondang pulis sa mga matataong lugar gaya ng mga paaralan at shopping malls upang bantayan ang seguridad ng mga tao.

Sinabi ng ahensya, tuwing papalapit ang holiday season (Pasko, Bagong Taon) ay sinasamantala ng mga “masasamang loob” ang pagdagsa ng mga tao lalo na sa mga mall upang gumawa ng krimen gaya ng pang-i-snatch at panghoholdap.

Nagpaalala din ang ahensya sa mamamayan na mag-ingat tuwing nasa pampublikong lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply