PNP suportado ang pag-amyenda sa Juvenile Law

MARIING sinuportahan ng Philippine Nsational Police (PNP) ang panukalang maamyendahan ang Juvenile Law.

Ang pagsuporta ng PNP ay sa harap ng pagdami ng mga menor de edad na nasasangkot sa mga krimen gaya ng pagnanakaw at pagdadala ng droga.

Binigyang diin ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz na aktibong isinusulong talaga nila ang pag-amyenda sa Republic Act 9344 (Juvenile Justice and Welfare Act Of 2006)

Una nang inihayag ng Senate Committee on Justice na magsusumite ito ng panukala para masuspinde ang patuloy na implementasyon ng nabanggit na batas matapos ang sunud-sunod na pagkakasangkot ng mga menor de edad sa iba’t-ibang krimen.

Nauna rito plano na rin ng Senado na suspendihin ang ipinatutupad na Juvenile Justice Welfare Act (JJW) na naglalayong hindi maaaring ikulong ang mga menor de edad na sangkot sa krimen.

Ipinaliwanag ni Senate Committee On Justice Chairman Francis Escudero na kailangan muna itong suspindihin dahil sa kulang ang pondo at pasilidad ng bansa upang maipatupad ito ng maayos.

Umaasa si Sen. Francis Escudero na makapag pasya na ang Senado at Kongreso na isuspinde ang Juvenile Justice Law bago matapos ang taong kasalukuyan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply