PNP tutulong sa rescue operations sa Central Luzon

ANIM na grupo ng rescue teams ang pinadala ngayon ng Philippine National Police upang tumulong sa mga lalawigang lubog sa baha dahil sa pagpapakawala ng tubig ng mga dam sa Gitnang Luzon.

Inatasan na ni PNP Chief Nicanor Bartolome ang kanyang mga tauhan na damayan ang mga naapektuhang mamamayan sa lalawigan ng Pampanga, Bulacan at Nueva Ecija.

Ang naturang rescue team ng PNP ay gagamit ng rubber boats upang tumulong sa rescue operations at mamamahagi rin sila ng relief goods.

Maliban sa rubber boats ay gagamit rin ng amphibious truck ang PNP sa pagdadala ng mga tao sa evacuation center.

Ayon sa PNP, hindi kaya ng mga lokal na pamahalaan ang pagre-rescue sa mga residente lalo na sa mga bahaging napakalalim na ng tubig, kaya kailangan ng mga rescue team na may sapat na kakayahan at kagamitan.

Dahil dito, maging ang Special Forces ng Philippine Army at Philippine Marines Disaster Rescue Teams ay sumama na rin sa operasyong isinasagawa ng PNP partikular na sa Candaba, Pampanga at Calumpit, Bulacan na lubog sa baha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply