Police station sinalakay ng NPA: 2 parak sugatan

DALAWANG pulis ang nasugatan makaraang lusubin ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army ang Barcelona Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Sorsogon.

Nakilala ang mga biktima na sina P01 Jessie Doloiras, na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang kamay, at si PO2 Joel Encinares, na may tama naman sa magkabilang tenga.

Naganap ang insidente bandang alas-11:15 kagabi nang lusubin ng mga armado ang kanilang himpilan kung saan nagpaulan ang mga ito ng putok habang pumapasok sa gate ng istasyon.

Agad namang nakaganti ng putok ang buong tropa ng pulisya kung saan tumagal ng isang oras ang palitan ng barilan ng dalawang panig.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply