Policewoman na matulis pinaiimbestigahan na

PINAIIMBESTIGAHAN na ni QCPD–Novaliches Police Station 4 Commander, Supt. Marcelino Pedrozo, ang kanyang policewoman na sinasabing matulis.

Isa sa mga dahilan ni SPOI Albong kung bakit ko siya binanatan ay namemersonal daw po ang inyong lingkod.

SPOI Albong, papano ko po kayong pepersonalin eh hindi ko naman kayo kilala, ni hindi ko nga po alam ang inyong pangalan, dahil ang sabi lang ng ating nakausap ay SPOI Albong ang pangalan.

Hindi po tayo na namimersonal dito madam, inilalabas lang po natin ang totong isyu. Alam ko at alam mo rin kung ano ang pinaggagawa mo bilang imbestigador at bilang pulis.

Wala pong pakialam ang inyong lingkod kung sinoman ang nakaaway mo, ang sa akin lang ay ang mga isyung ikinakabit sa iyo ng mga complainant at mismong mga kasamahan mong pulis diyan sa Novaliches.

Trabaho lang po ang sa akin SPOI Albong , at sa loob ng 20 taon bilang mamamahayag, ni minsan po ay hindi ako namersonal sa aking mga sinulat.

Hindi kaya nagi-guilty ka lang sa mga sinulat ko kaya ganun ang naging sagot mo sa ginawang imbestigasyon sa  iyo ni Col. Pedrozo?

Nagtatanong lang po SPOI Albong ! ! !

oOo

Ang sarap naman ng buhay ng mga nakatalagang traffic policeman at traffic enforcer diyan sa may kanto ng V-Luna Road Ext. at Anonas Ext. sa Quezon City dahil tumatanggap lang sila ng pera pagdating ng hapon.

Ito ang natuklasan ng Lily’s Files makaraang magreklamo sa inyong lingkod ang ilang tricycle driver na paboritong hulihin ng isang barangay tanod na siyang nagtatrapik sa nasabing lugar.

Itong barangay tanod na ito ng Brgy. Sikatuna Village ang siyang nangangasiwa sa trapiko sa nasabing lugar at ang mga pulis at traffic enforcer ng DPOS ay naroon lang sa ilalim ng punong kahoy at nagpapalamig.

Sarap naman ng buhay ng mga gagong pulis at traffic enforcer na ito.

Pagdating ng gabi ay maghahati-hati sila sa mga nakuhang tong ng  brgy tanod na si alyas “Pandak” na nangangasiwa ng trapiko rito sa may kanto ng V-Luna Ext . at Anonas Ext. na ilang metro lang ang layo sa headquarters ng QCPD sa Kampo Karingal.

Itong si mayabang na BPSO ng Brgy. Sikatuna na si alyas “Pandak” ay namimili ng mga hinuhuling sasakyan.

Ang paborito nitong hulihin ay ang mga maliliit na tulad ng tricycle dahil madaling magbigay ng tong ang mga driver nito samantalang kung magagarang mga sasakyan nga naman ang huhulihin ay baka sumabit pa siya at ang mga buwayang traffic police at DPOS traffic enforcer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply