Pondo sa contraceptives pinababantayan

PINAMAMATYAGAN ng Simbahan sa mga senador ang ilalaang pondo ng pamahalaan sa Department of Health (DOH) para tiyaking hindi mapupunta sa pagbili ng contraceptives ang pera ng bayan.

Ang pahayag ay ginawa ni  Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., kaugnay sa nalalapit na pagpasa ng Senado sa P1.8 trillion national budget para sa susunod na taon.

Giit ni Bishop Bacani na mas mabuting ilaan na lamang ang pondo sa pagpapatayo ng hospital at pagkakaloob ng libreng gamot sa mahihirap  kaysa ibili ng condom o anumang uri ng contraceptives.

Matatandaan na una nang sinabi ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles na gamitin ang pondong ilalaan sa pagbili ng mga condom at iba pang contraceptives pills sa mga biktima ng dengue at mga dukhang walang makain.

Tiniyak naman ni Senador Vicente Sotto III na siya mismo ang bubusisi sa Senado sa pondo ng DOH.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply