Pondong ginagastos hindi na makukulimbat

MAGKAKAROON na ng awtomasyon sa sistema ng pamahalaang pinansyal para makontrol at  matukoy kung sino ang may pananagutan sa pondo ng gobyerno matapos na utusan ni PangulongBenigno Noynoy Aquino ang Commission on Audit (CoA) at Department of Budget and Management (DBM).

Katunayan, ayon kay Executive Sec. Paquito Ochoa, na nilagdaan na raw ng Pangulo ang Exe-cutive Order (EO) No.55 na nag-aatas ng integrasyon at awtomasyon ng lahat  ng sistema ng pamahalaang pinansyal ng gobyerno para higit na maging epektibo ito.

Ang utos na ito ang pagbibigay-halaga ng Pangulo para sa transparency, accountability and good governance, sabi ni Ochoa.

Sinabi pa ni ES ang paglikha ng Government Integrated Financial Management Information System (GIFMIS) ay naglalayon para walang maitago at masubaybayang mabuti ang paggugol at paglalaan ng pondo ng pamahalaan.

Sinabi pa ng kalihim na ang paglikha ng GIFMIS  ang magbibigay-daan para sa pagkakaroon ng mahahalagang impormasyon na may kinalaman sa lahat ng transaksyon ng gobyerno na maaaring ipagbigay-alam sa  madla sa pamamagitan ng Internet.

Hangad ni Pang. Noynoy na maisagawa sa termino ng kasalukuyang administrasyon ang pagkakaroon ng mabisang online accounting, pagsubaybay at kontrol sa mga obligasyon at paggugol at ang tuwirang gawing ng mga ito sa cash management, ani Ochoa.

SAUNA MAY LAGAY KAY MAYOR?

Nagmamalaki pa raw ang may-aring Fil-Am sa mga kakilala niya na hindi raw kayang ipatigil ni Pasay Mayor Tony Calixto ang operasyon ng sex-trade sa Lapu-Lapu Health Palace sa Buendia, Pasay City.

Dahil malaki ang ipinararating nilang ‘lagay’ kay  Mayor Calixto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply