Pops Fernandez gusto uling magkaanak pero ayaw nang mag-asawa

LOVELESS pa rin si Pops Fernandez ngayon kaya kinantiyawan siya ng mga kaibigan na humanap ng bagong mamamahalin sa buhay na makakasama niya sa isang bubong.

Sa halip na sagutin na naghahanap nga siya pero walang makita ay isang nakagugulat na revelation ang kanyang sinabi.

“Naku! Mas gusto ko yatang magkaanak na lang ulit kaysa magkaroon ulit ng asawa! Ha! Ha! Ha! Ha!

“I can get married anytime naman, Pero yung magkaroon ng isa pang anak, yun muna siguro ang gusto ko. Both my boys (Robin and Ram) malalaki na sila and
they have their own lives now.

“Robin is enjoying his career as a TV host and performer. Si Ram naman he’s finishing school. Kaya wala na akong makasama na malalambing at maaalagaan ko.

“Kaya baby na lang muna sana bago ang asawa! Ha! Ha! Ha!” natatawang pahayag ni Pops.

Hindi naiwasang magpatalbugan ng kanilang alindog sina Anne Curtiz at Cristine Reyes sa pelikulang No Other Woman. Sa trailer ng movie ay naglantad na kaagad ng kanyang kaseksihan si Anne pero ayon sa Star Cinema, marami rin eksena sa movie na nagpaseksi rin si Cristine.

Hindi nga raw nagpatalbog si Cristine kay Anne kung pag-uusapan ay paseksihan ng kasuotan ng two piece. Ayon sa nakarating sa amin, nag-effort daw ang dalawa na mag-diet para sa pagtatapat nila sa pelikula ay walang maipipintas sa kanilang katawan.

Pero sa tsika ni Cristine, hindi raw siya nag-diet bago sila nag-shooting dahil sa takot siyang ilampaso ni Anne sa pagpapa-seksi.

“Hindi ko na nagawang mag-diet at mag-workout pa dahil naging busy na ako sa taping ng Repustasyon sa ABS CBN.

“Kinailangan ko ring kumain nang husto dahil nalaglag ang katawan ko noong magkasakit at maospital ako. Bawal na nga sa akin ang magpuyat kaya hanggang 12 midnight lang ang cut-off time ko sa trabaho,” say ni Cristine.

Pero magkaribal man ang kanilang character sa movie ay nag-bonding naman daw sila sa movie at maraming nalaman si Cristine kay Anne.

Samantalang naikuwento rin ni Cristine na isang taon na ang relasyon nila ni Rayver Cruz. Kumain daw sila at nanood ng sine bilang selebrasyon ng kanilang anniversary.

Binigyan siya ng isang mamahaling bag ni Rayver at isang Lacoste shirt naman ang regalo niya sa boyfriend.

Nangako raw si Rayver na siya lang daw ang babaeng mamahalin.

-000-

Nagkamali sa kanilang tsismis ang fans nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio na nanood daw ng sine na magka-holding hands raw ang dalawa.

Tsika ni Barbie nang pasyalan namin sa set ng The Road, kasama raw niya ang magulang niya at dapat daw ay kasama rin ang magulang ni Joshua pero di nakasama dahil nagkataong may lakad ang mga ito.

Anyway, matatag na ang loveteam nina Barbie at Joshua kaya naman inaalagaan talaga sila ng GMA 7. Right now ay magkasama uli sina Barbie at Joshua sa isang afternoon drama series na siyang ipapalit sa Sinner or Saint sa GMA 7.

Kahit subsob sa trabaho si Barbie, hindi nito pinapabayaan ang pag-aaral.

Nagho-home study siya at naka-enroll siya ngayon sa School of Tomorrow sa Ortigas.

Sa naturang school din nag-aaral si Bea Binene na sinasabing magiging mahigpit niyang karibal sa stardom. Pero ito ay hindi sineryoso ni Barbie dahil wala raw silang rivalry ni Bea.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply