‘Pork’ ni GMA ipamamahagi

IPAPAMAHAGI ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang kaniyang P15 milyon pork barrel sa mga miyembro ng oposisyon na hindi pa nakatatanggap ng kanilang pork.

Kinumpirma ito nina House Minority Leader Edcel Lagman at Asst. Minority Leader Mitos Magsaysay sa isang press conference.

Sinabi ni Lagman na naghain na si Rep. Arroyo ng kahilingan sa Department of Budget and Management (DBM) upang mai-realign ang kaniyang pork barrel sa may 10 miyembro minorya na hanggang ngayon ay hindi pa tumatanggap ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Kabilang sa mga ito ay sina Mikey, Dato at Iggy Arroyo, Bohol Rep. Arthur Yap, Iloilo Rep. Augusto Syjuco, Deputy Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez,Davao Rep. Mark Douglas Cagas, Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, Mindoro Rep. Amelita Villarosa at Asst. Minority Leader Mitos Magsaysay (Zambales).

Kasabay nito, ay kinumpirma ni Lagman ang paglipat sa ibang partido ng mga dating oposisyon na sina Pangasinan Reps. Leopoldo Batoil at Jesus “Boying” Celeste, Pampanga Rep. Aurelio Gonzales at La Union Rep. Ortega na itinalagang chairman ng House inter-parliamentary committee.

Ayon kay Lagman ang paglipat ni Gonzales ay dahil sa kawalan ng pork para sa kaniyang constituents samantalang local politics naman ang rason nina Batoil at Celeste.

Hindi naman kinumpirma ni Lagman ang balitang tatlo pa ang nakatakdang kumalas sa oposisyon dahil sa kawalan ng pork.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply