Post ni Oprah pabor kay Shamcey Supsup

MARAMI ang nag-repost sa post sa Facebook, Twittter at iba pang social networking sites ng American talk show host na si Oprah Winfrey sa resulta ng Miss Universe 2011 pageant.

Inihayag ni Winfrey na ang kandidata ng Pilipinas na si Shamcey Supsup ang karapat-dapat na mag-uwi ng Miss Universe crown.

Ayon kay Winfrey, kung ang question and answer portion lang ang pagbabasehan ay malaki ang lamang ng ating pambato lalo na’t si Shamcey ang bukod tanging hindi gumamit ng interpreter.

“I have reservations with the results. If the only basis is the Q and A portion…, after having been trimmed down to 5, Ms. Philippines deserved to win. What made her different from the rest is that she had no seconds to rethink of her answer as she had no interpreter to break the ice. The rest had their interpreters and having breaks on seconds to think about their answers. Hands down, Ms. Philippines answered straight to the point,” pahayag umano ni Oprah Winfrey na kumalat sa social sites.

Makalipas ang ilang sandali, agad nagbawian ang mga nag-post at nag-report ng “Oprah statement” sa internet.

Lumalabas kasi na peke ang statement at hindi talaga galing sa sikat ng TV host na si Oprah matapos hindi ma-verify ang pinanggalingan ng social networking site post.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply