Postmaster general hinihingan ng public apology

GUSTO kong mag public apology siya sa akin.”

Ito ang pahayag ni Lovelyn de Leon na inakusahan ni Postmaster General Josie dela Cruz na sangkot ito sa illegal na pagbubukas ng mga package sa Philpost.

Ayon kay de Leon, pinag-aaralan na rin nila ang legal na hakbang at maglalaabs ang Postal Employees Union of the Philipines (PEUP) ng isang kalasag laban kay dela Cruz.

“Naapektuhan ang anak ko,lumabas ang balita na yan hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo,yong bunso kong anak ayaw ng pumasok sa school. Sabi naman ng asawa ko magresign na daw ako,” ayon kay de Leon.

Hindi umano iligal ang ginawang pagbubukas ng  small packages at ang ginawa ni de Leon ay alinsunod sa memorandum circular ipinalabas noong Setyembre 29,1973 na patuloy na ipinatutupad sa Philpost hanggang sa ngayon.

Napag-alamang may 23 taon nang nagtratarabaho si de Leon sa Philpost mula noong 1988 na nagsimula bilang casual employee hanggang maging permanente noong 1996.

Kamakailan ay nagpatawag ng isang press conference si dela Cruz, at ipinrisinta sa mga mamahayag ang video footage ng CCTV na nagpapakita  na nagbubukas ng packages si de Leon,na umano’y illegal at nawala umano ang nakasobreng 100 euros  na nakalagay sa package.

Si dela Cruz,ay katatalaga pa lamang bilang postmaster general ng Philpost at wala pa itong isang buwan na nanunungkulan sa kagawaran. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply