TRO sa ARMM polls inilabas ng SC

NAGPALABAS na ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema upang harangin ang pagpapatupad ng batas na naglalayong isabay ang halalan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa 2013 national elections.

Matapos na makakuha ng botong 8-4 ay inilabas ng Korte Suprema ang TRO ukol sa pagtatalaga ng Palasyo ng officers-in-charge (OICs) para sa nasabing rehiyon.

Una rito, pumasa sa Kongreso ang Republic Act 10153 na nag-uutos na ipagpaliban ang lokal na halalan at isabay na lamang sa 2013 national elections.

Sinabi rin ng Korte Suprema, kung hindi pa agad na maresolba ang mga nakabinbing petisyon bago mag-Setyembre 30, dapat manatili sa kani-kanilang posisyon ang mga incumbent official bilang “holdover capacity” hanggang mayroon nang papalit na mga bagong opisyal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply