Poultry products mula ibang bansa binabantayan ng DA

BANTAY sarado ngayon ang Department of Agriculture (DA) sa lahat ng pumapasok na poultry products sa bansa kaugnay sa banta ng Bird Flu Virus na nagmula sa Vietnam

Tiniyak ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na bantay-sarado ang bawat entry points ng bansa gaya ng sa airport, pier at seaport para matiyak na walang makapapasok na mga manok at iba pang poultry na maaaring kontaminado ng naturang virus.

Sinabi pa ni Alcala na hindi rin ligtas ang mga pasahero na mula sa kalapit-bansa na may bitbit na poultry products.

Bahagi aniya ng kanyang instruction na huwag papasukin ang mga pasaherong may dala ng poultry products.

Uminit din ang ulo ni Alcala ng ito’y matanong hinggil sa pinsala na idinulot ng bagyong Mina sa Agrikultura sa Northern Luzon partikular sa Isabela at Cagayan.

Para kay Alcala, hindi reliable ang ibinigay na assessment sa kanya hinggil sa nagawang pinsala ng bagyong Mina.

Inihalimbawa ni Alcala ang mais na kahit tamaan pa ito ng bagyo ay mapakikinabangan pa rin ito.

Sinabi ng kalihim na sa kanyang pagpunta sa Cagayan de Oro ngayong araw, Setyembre 1, iba-validate niya kung magkano ba talaga ang pinsala ng bagyong Mina sa Agrikultura. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply