Power supply kakapusin sa 2012

NAKAAMBA umano ang kakapusan ng supply ng kuryente sa bahagi ng Luzon at Visayas at kakailanganin na magtipid ng may 300 megawatts sa susunod na tag-araw (2012) at may posibilidad pang magka-brownout kapag nabigo gumana ang baseload plants.

Ayon kay Energy Secretary Jose Rene Almendras, sa susunod na taon ay magiging mahigpit sa pagtitipid ng kuryente at dapat na makapagreserba ng 300 megawatts para sa kinakailangang baseload na 600 megawatts.

Aminado si Almendras na maraming sektor sa oposisyon ang kumokontra sa pagdaragdag ng “baseload power plants” para sa Luzon at Visayas grids.

Aniya, sinagot na ng US-based AES Corporation ang pagtatayo ng 660-megawatt (MW) Masinloc plant sa Zambales na gagastusan ng may $930 million sa pamamagitan ng international competitive bidding, na ang equity investments at subordinated loans na $400 million ay manggagaling sa  US-based AES Corporation habang ang $35 million naman ay manggagaling sa International Financing Corporation (IFC).

Tutulong din dito aniya ang Asian Development Bank ng may $200 milyon sa financing at ang balance ay manggagaling naman sa IFC at apat na lokal na commercial banks.

Ayon kay Almendras, kinakailagan ng baseload plants upang mabawasan ang generating cost.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply