Prangkisa ng mga jeep na lumahok sa tigil pasada kanselado

TINIYAK ni LTFRB Chairman Jaime Jacob na dadaan sa tamang proseso ang pagkakansela sa prangkisa ng mga jeep na nakilahok sa tigil–pasada na inilunsad ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationawide (PISTON).

Batay sa pahayag ni Jacob, bagamat may karapatan ang drivers na ilabas ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng strike, tungkulin naman ng operators na siguraduhing hindi maaantala ang kanilang ibinibigay na serbisyo sa publiko.

Ayon kay Jacob, kanilang pagpapaliwanagin ang mga operator kaugnay sa paglahok ng drivers sa tigil pasada bago magpasya kung kakanselahin ang prankisa ng mga ito.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi nagkulang ang gobyerno sa paalala dahil maaari naman aniyang napag-usapan ng maayos ang naturang isyu.

Hindi lamang ang transport sector ang apektado sa mataas na presyo ng langis kundi halos lahat ng sector dahil sa domino effect nito sa mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni Valte na dapat alalahanin ng mga may hawak ng prangkisa na responsibilidad nilang pangalagaan ang interes ng publiko sa halip na sila pa ang manguna para pahirapan ang mga mananakay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply