Prangkisa ng partner ng Globe babawiin

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senate President Jinggoy Estrada sa Kongreso at tuluyan nang pinababawi ang kapartner ng Globe Telecoms sa pagpapatakbo ng Innove, ang Artimax Broadcasting Inc., hinggil sa ilegal na pagbebenta ng radio frequencies sa naturang higanteng kompanya ng telekomunikasyon.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Estada na dapat nang bawiin ang prangkisa ng Artimax matapos ipa-renta sa Innove ang radio frequencies na ibinigay ng Kongres na pinatunayan ng isang memorandum of agreement ng dalawang kompanya.

Pag-aari ng Globe Telecoms ang Innove na umaarkila sa radio frequencies ng Artimax na labag sa prangkisang inaprubahan ng Kongreso noong Marso 27, 1998, ayon kay Estrada.

Sinabi ni Estrada na lubhang “binaboy” ng Artimax ang kapangyarihan na ibinigay ng Kongreso sa kompanya dahil labag sa batas ang pagpaparenta ng sarili nitong bandwidth nang walang kaukulang pagsang-ayon ng Kongreso.

Binigyan ang Artimax ng National Telecommunications Commission ng isang provisional authorities na magtayo, mag-operate at magpanatili ng nationwide direct broadband satellite (DBS) service at isang multi-channel multipoint distribution system (MMDS) noong Disyembre 29, 2000 na may bisa hanggang Hunyo 29, 2002.
Nitong Marcos 18, 2003, pinalawig ang naturang kapangyarihan sa loob ng tatlong hanggang Hunyo 29, 2005.

Ngunit, ipinagtataka ni Estrada kung bakit hindi sinusunod ng Artimax ang alinman sa kondisyon na itinakda sa kanilang prangkisa tulad nang magsagawa ng operasyon sa loob ng isang taon matapos aprubahan ang permiso mula sa NTC, magpatuloy na operasyon sa loob ng dalawang taon hanggang tatlong taon pa matapos magkabisa ang prangkisa.

Sinabi pa ni Estrada na patuloy na ginagamit ng Innove ang frequencies na ibinigay ng Kongreso sa Altimax na siyang lantaran at tuwirang paglabag sa alituntunin na itinatag ng NTC hinggil sa aplikasyon at pagbibigay ng karagdagang radio frequencies.

Matapos nito, ibinigay naman ang privilege speech ni Estrada sa Senate committee on public services upang magsagawa ng kaukulang imbestigasyon at suriin kung sinusunod ng mga kompanya ang mga pinagtibay na batas ng Kongreso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply