Prangkisa ng sumasali sa tigil-pasada pupuntiryahin ng Palasyo

PUPUNTIRYAHIN ng Malakanyang ang prangkisa kapag nakumpromiso ang interes ng taumbayan sa bantang tigil-pasada ng militanteng transport groups.

Sinabi ng Palasyo na tila ayaw paawat na pagsusulong ng tigil-pasada ng ilang militanteng transport groups bilang protesta sa patuloy na pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, hindi nagkulang ang gobyerno sa paalala dahil maaari naman aniyang pag-usapan ng maayos ang naturang isyu.

Hindi lamang ang transport sector ang apektado ng mataas na presyo ng langis kundi halos lahat ng sector dahil sa domino effect nito sa mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni Valte na dapat alalahanin ng mga may hawak ng prangkisa na responsibilidad nilang pangalagaan ang interes ng publiko sa halip na sila pa ang manguna para pahirapan ang mga mananakay.

Kasabay nito, tiniyak ni Valte ang ayuda sa publiko kapag natuloy ang tigil pasada dahil nakikipag-gnayan na sila sa MMDA para umalalay at magbigay ng libreng sakay sa mga maaapektuhan ng tigil pasada. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply