Prayoridad sa konstruksiyon ng LRT Line 2 isinusulong

HINILING ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal na bigyan ng prayoridad ang konstruksiyon ng Light Railway Transit (LRT) Line 2 extension patungong Masinag.

Ayon kay  Gob. Jun Ynares, ang naturang proyekto ay magdurugtong sa kasalukuyang 13.8 kilometrong LRT Line 2 mula sa kasalukuyan nitong istasyon sa Santolan, Pasig patungong Masinag, Antipolo na may habang 4.14 kilometro at karagdagang dalawang istasyon sa may Emerald at Masinag.

Base sa mga naunang ulat, kinu-konsidera ng pamahalan ang dalawang posibleng ruta ng LRT extension, sa Marcos Highway patungong junction ng Sumulong Highway at Marcos Highway sa Masinag o ang paggamit ng Sumulong Highway na daraan sa A. Bonifacio Avenue at Sumulong Highway sa Marikina.

Sinabi ni Light Railway Transit Authority (LRTA) Administrator Rafael Rodriguez na aabot sa pagitang ng P11 bilyon hanggang P13 bilyon ang halaga ng proyekto.

Ayon pa kay Rodriguez, kasalukuyang ginagawa ang isang feasibility study ukol dito sa pamamagitan ng grant mula sa Korea International Cooperation Agency (KOICA).

“Umaasa kami na bibigyan ng prayoridad ang proyektong ito ng Department of Transportation and Communication lalong-lalo na ngayong nasa pamumuno ang ahensiya ni dating senador Mar Roxas,” pahayag ni Ynares. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply