Presyo ng gulay bumaba na

BUMABALIK na sa dating mababang presyo ang gulay sa Metro Manila.

Ito ay makaraang madaanan na ang mga kalsada sa Northern Luzon na pangunahing pinagkukunan ng gulay matapos na magkalandslide dahil sa Bagyong Mina.

Batay sa price monitoring ng Bureau of Agriculture, P20 hanggang P30 ang ibinaba sa presyo ng mga gulay sa merkado tulad ng repolyo, patatas at kamatis.

Ngunit sa kabila nito, may ilang produkto ang mataas pa rin ang presyo tulad ng sibuyas na nasa P70 pa rin ang kilo.

Wala naman paggalaw sa presyo ng baboy, manok at baka.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply