Presyo ng gulay sa ilang pamilihan tumaas

DAHIL sa pananalasa ng bagyong Pedring nitong nakalipas na araw ay tumaas ang presyo ng mga gulay sa mga pamilihan sa Metro Manila simula ngayong araw.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Salvador Salacup, na-monitor ng ahensya ang 21 palengke at nakita ang pagtaas ng presyo ng mga gulay partikular na yung mga nanggagaling ng Cordillera, Cagayan Valley at Gitnang Luzon, mga lugar na tinamaan ng husto ng bagyo at pinanggagalingan ng 60 porsyento ng suplay ng gulay sa Kalakhang Maynila.

Sinabi ng DA, sa 60 trak ng gulay na bumibyahe galing sa mga nabanggit na lalawigan ay 30 lamang ang nakakaluwas dahil sa mga isinarang kalsada na nasira ng bagyo na kinukumpuni pa rin sa kasalukuyan.

Kabilang sa mga gulay na tumaas ang presyo sa ilang palengke ay ng lettuce, cauliflower at celery.

Sa Balintawak Market ay naiulat na tumaas mula P80 hanggang P120 kada isang kilo ng lettuce at cauliflower habang ang celery ay dumoble ang presyo mula P40 hanggang P75 kada isang kilo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply