Presyo ng instant noodles bababa

MATAPOS sumirit ang presyo ng sardinas, bababa naman  ngayon ang presyo ng produktong instant noodles sa mga pamilihan.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Zenaida Maglaya, ang price rollback sa noodles ay magaganap matapos bumaba ang presyo ng trigo na ginagawang harina at pangunahing sangkap sa paggawa ng noodles.

Sinabi ni Maglaya na hinihintay na lamang nila ang advisory ng flour millers kaugnay sa pagtatakda ng bawas presyo.

Samantala nagkaroon naman price hike sa presyo ng sardinas pati na ang ilang mga bilihin bunga ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Maglaya, ang pagtaas sa presyo ng sardinas at ilan pang mga bilihin ay  bunga ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo na ginagamit sa transportasyon ng mga produktong de lata.

Sinabi ni Maglaya na magkakaroon ng 25 hanggang 75 sentimos na pagtataas sa presyo ng ng nasabing de lata.

Ayon pa sa opisyal, hindi mapipigilan ang pagtataas ng mga ito maliban na lamang kung sumobra ang Serving Real Price (SRP).

Ang pagtataas aniya ng presyo ng isdang tamban ang pangunahing rason sa patuloy na pagtataas ng presyo ng sardinas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply