Presyo ng lahat to the max na

BER months na at maraming mahihirap ang kinakabahan. Sagad na kasi ang taas ng presyo ng mga paninda, at to the max na rin ang singil ng pamahalaan sa mga serbisyo nito sa mga mahihirap.

Kaya pa ba ng mga mahihirap na balikatin ang pagkabigat-bigat na krus na kanilang pinapasan?

Ngayong buwang ito na panahon ng walang patumanggang gastos ay muling tataas ang presyo ng gasolina,  kuryente,  pagkain, upa sa bahay, tubig, pamasahe sa MRT at LRT at dagdag na bayad sa NBI clearance, among other government fees.

Akala ko pa naman ay pag may bago na tayong Presidente ay giginhawa na tayo. Hindi pala.

Ang unang inaatupag kasi ng ating gobyerno ay kung paano makalilikom ng pera sa ating mahihirap.

Sana ay pagtuunan naman ng gobyerno ang mga mayayamang sikat sa pagiging tax evader, smuggler, drug lord,  illegal logger, kawatan sa pamahalaan at ang mga lintik sa tongpats katulad ng mga may kontrata sa public works and highways, sa national police, sa military at sa halos lahat ng ating mga kagawaran.

Ang sabi ng hepe ng BIR ay wala siyang magagawa sa mga dagdag na buwis katulad ng expanded value added tax (evat) dahil sumusunod lang siya sa utos ng batas, or in other words, ang Congress na siyang pasimuno nito.

Hindi binanggit ng ating chief tax collector na ang utos sa evat ay nanggaling mismo sa nakaraang President.

Puwede namang baguhin ang batas lalo na kung ito ay pahirap sa mamamayan, pero walang kibo ang BIR at ang Malakanyang sa isyu ng evat.

At kung napapansin din ninyo, wala ring ginagawa ang gobyerno para makasingil sa mga tax evader, sa mga smuggler, sa mga may-ari ng mga kolorum na bus, sa mga illegal logger at marami pang ibang pahirap sa mamamayan.

Bakit puro mahihirap na lang ba ang papasan sa budget ng gobyerno na trilyon-trilyong piso na ang halaga?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply