Presyo ng langis bababa sa susunod na linggo

IPINAHAYAG ngayon (Martes, Setyembre 6) ng Department of Energy (DOE) na posibleng magkaroon ng rollback sa presyo ng langis sa Lunes (Setyembre 12) kung magpapatuloy sa pagbaba ang presyo nito sa international market.

Ipinakita lamang sa lokal na presyo ang paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan noong nakaraang linggo.

Ayon kay Energy Undersecretary Jay Layug, patuloy na naghahanap ang pamahalaan ng mga pagkukunang bansa ng langis at ng mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya.

Sinabi pa ni Layug na noong Biyernes pa nakitang tataas ngayong linggo ang presyo ng langis sa bansa dahil sa pagtaas ng average price nito sa world market.

Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan din nila ang pagdaragdag ng windmills at ang pagkakaroon ng local manufacturer para sa steel plates na kailangan sa pagkuha ng solar energy o enerhiya mula sa araw.

Ayon kay Layug, target nilang makapag-install ng 50 megawatts ng solar energy sa loob ng tatlong taon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply