Presyo ng petrolyo tataas na naman

INAASAHAN na ng Department of Energy (DOE) ang pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo anumang araw ngayong linggo.

Sa kuwenta ng DOE papalo sa P150 ang kada litro ng diesel at  P1.79 naman sa bawat litro ng gasolina

Idinahilan na naman ng DOE na ang oil price hike ay bunsod ng nananatiling tensyon sa Gitnang Silangan.

Gayunman, inanunsyo na ng Chevron at Pilipinas Shell ang pagkakasa nila ng panibagong oil price hike epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga, Setyembre 6.

Nagdagdag ng 90 sentimo ang Chevron at Shell sa kada litro ng gasolina samantalang 70 sentimo naman sa bawat litro ng diesel at kerosene. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply