Presyo ng petrolyo tinapyasan matapos ang transport strike

NAGPAHAYAG ng 20 sentimos bawas sa presyo ng unleaded gas ang Pilipinas Shell, pero itinaas naman sa 25 sentimos ang presyo ng regular gas  kasunod ng ikinasang transport strike ng grupo ng mga militanteng grupo kanina, partikular ng Piston.

Ani Bobby Canapi, nagbawas sila sa presyo ng kanilang produktong petrolyo makaraang bumaba ang presyo nito sa world market.

Hahabol naman simula mamayang hatinggabi ang Estearn petroleum na nagbawas ng 50 sentimos sa presyo ng unleaded.

Samantala, hindi naman masaya ang mga motorista sa nasabing rollback dahil mas mataas pa ri umano ang itinaas ng presyo ng langis na nagsimula nitong nakraang dalawang linggo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply