Presyo ng tabako tataas sa 2012-2013

NAKATAKDANG itaas ng mahigit 51 porsiyento ang halaga ng iba’t ibang uri ng tobacco sa susunod na dalawang taon at magbibigay ito ng katiyakang 25 porsiyentong kita sa mga magsasaka ng tabako kapag natuloy.

Ayon kay NTA Administrator Edgardo D. Zaragoza, kabilang sa tataas ang presyo ay ang Virginia, burley at native tobacco na magiging epektibo sa 2012 hanggang 2013 na resulta aniya sa napagkasunduan sa katatapos na tripartite conference na dinaluhan ng government regulatory agency, mga magsasaka at mga kompanyang namimili ng tabako.

Ang floor prices ng AA grade na Virginia tobacco ay tataas ng hanggang P72 kada kilo, na dating P66 noong 2010 hanggang ngayong taon. Ang grades B, C, D at E ay tataasan din ng hanggang P5, habang ang grades E, F1, at F2 ay tataasan ng hanggang P3.00. Ang usable R tobacco naman ay tataas ng P40 kada kilo na dating P28.

Magtataas ng P7 kada kilo ang burley grades A, B, C, D, E, F at R, at native high grade/morado, liso high, liso medium at short sapod habang ang native sexta o reject sapod ay magkakahalaga ng P22 kada kilo, na dating nasa P14.50 lamang.

Dagdag ni Zaragoza ang bagong tobacco rates ay resulta rin ng magkakahiwalay na pakikipagnegosasyon nila sa pagitan ng magsasaka at mga kumpanya na namimili nito.

“We talked separately with farmers and buyers so there was no need to haggle for the prices (like in the past). We came up with floor prices that are acceptable to both parties based on calculations that will ensure 25 percent income for the farmers,” ayon kay Zaragosa .

Kaugnay nito, sinabi pa ni Zaragoza na tumaas ang produksiyon ng tobacco nang hanggang 78.5 million kilos ngayong taon kumpara sa 74 million kilos na inani noong 2010.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply