Produ magaling sa huthutan: Singers na pumasok sa kanya namulubi

MATINDI ang producer na ito. Walang kawawaan kung tirahin ng pailalim ang mga singers na mina-manage kuno niya pero ginigisa lang pala niya ang mga ito sa sarili nilang mantika.

Imagine, ‘yung isang milyonaryang negosyante kamuntik nang masimot ang kwarta matapos makipag-co-prod sa kanya at nautangan pa niya ng ilang milyon kaya muling nabuhay ang naghihingalo nitong kompanya.

Kung anu-anong pangako ang sinabi nito sa negosyante, ang ending, lahat napako. Walang natupad ni isa.

‘Yung singkit na singer na anak din ng businessman, pumasok sa kumpanya niya, pero wala ding nangyari. Hindi naman ito sumikat. Magaling sanang kumanta ‘yung binatang singer.

‘Yung isang dalaga naman na nagpakabit pa sa kung sinu-sinong pulitiko para lamang magkapera at matupad ang pangarap nitong maging recording star, nakipag-tie-up sa magaling sa huthutang produ, namulubi. Dalawang condo nito naibenta sa murang halaga para maka-survive sa kanyang paghihirap matapos ubusin ang datung niya ng una.

Ang latest, itong young singer din na may potensyal na maging sikat na recording star dahil lahi nila ang mga sikat na mang-aawit, babalik na lang sa Amerika dahil nawalan nang gana kay produ.

Habang ‘ginagatasan’ nito ang batang singer, panay ang hingi niya ng datung sa mga magulang nito para raw sa gagawing fullblast promo pero lumipas ang isang taon wala ding nangyari sa career ng bata.

Magaling lang talagang mag-talking ang prodyuser na ito, at ginagamit ang name niya para mapaniwala ang lahat na kaya pa niyang makapag-build-up ng magagaling na talent na susunod kuno sa mga yapak ng kanyang dating mga alaga.

Marami pang mga talents ang naloko ng produ na ito. Kawawa sila dahil wala naman silang konek sa showbiz kaya tumahimik na lamang sila.

***

Ang galing ni Gerald Anderson sa ‘Budoy’

SA TRAILER pa lang ng “Budoy” makikita na ang kagalingan ni Gerald Anderson sa pag-arte where he will play the role of a boy suffering from a delay in mental development.

Nakaiiyak ang kanyang portrayal. Totoong-totoo ang kanyang pagganap. Consistent ang kanyang acting. Talagang ang layo na nang narating ng binata.

First introduced to the Philippine audience via hit reality TV show “Pinoy Big Brother: Teen Edition,” Gerald worked his way up to become one of this generation’s most sought after dramatic actors and leading men with his remarkable hit teleseryes “Sana Maulit Muli,” “My Girl,” Tayong Dalawa” and “Kung Tayo’y Magkakalayo.”

Budoy is ABS-CBN’s first advocacy serye. Gusto nilang ipamulat sa lahat na ang isang taong may kapansanan ay hindi dapat nililibak ng lipunan, kinakawawa o inaapi, bagkus, dapat itong bigyan ng special na atensiyon bilang isang tao na may karapatan ding mabuhay at makatanggap ng pantay na pagtrato.

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply