Prof kalaboso sa kasong rape

INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation region 11 ang isang professor ng University of Mindanao dahil sa kasong satutory rape.

Ang suspek ay kinilalang si Engr. Hesus Rosales at kasalukuyang nagtuturo sa naturang unibersidad.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Ibareta Jr ng Regional Trial Court Branch 8 nang hulihin ang professor at dalhin sa kanilang tanggapan.

Base sa impormasyon, ni-rape umano ng professor ang 12-anyos na kasambahay noong Hulyo 2009.

Ayon naman sa suspek ang naturang biktima ay ginahasa umano ng kinakasama ng nanay at itinuro lang umano siya na siyang gumawa sa krimen.

Napatunayan sa Medico Legal na nagalaw nga ang batang biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply