Programa ni Pacman dinagsa

HINDI na nagsiuwian ang mga taong nanood sa Quirino Grandstand ng pagsisimula ng world press tour ng laban nina Filipino boxing icon Manny Pacquiao at Juan Manuel “El Dinamita” Marquez sa Nobyembre 13 sa Las Vegas, Nevada, dahil doon din idinaos ang game show ng Pamabansang Kamao na “Manny Many Prizes.”

Bukod sa nais na makita ng mga fans sina Pacquiao at Marquez ay nagbakasali rin ang mga ito na manalo ng mga papremyong ipamimigay ngayong gabi (Setyembre 3) ng naturang programa.

Kabilang sa mga papremyong ipinamimigay ni Pacquiao ay kotse, house and lot at pera.

Bago matapos kanina ang press tour nina Pacquiao at Marquez ay inanyayahang manood ni Pacman si Marquez ng kanyang programa. Hinamon din ni Pacman si Marquez na magbigay din ito ng kotse na hindi naman naintindihan ng Mehikanong boksingero dahilan para magtawanan ang mga tao at host.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply