Proseso ng pagpapalisensya ng PDEA gagayahin ng DTI

ISA sa ikinukonsiderang gayahin ng ibang ahensiya ng gobyerno ay ang mabilis na pagproseso ng lisensiya at permits ng compliance service division ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Ito’y ayon na rin sa Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine’s National Single Window (NSW) kung saan humanga sa performance, partikular sa PDEA Compliance Service (PDEA-CS) sa proseso ng pagkuha ng lisensiya at  permit.

Ayon kay Sally Alvedra ng Philippine National Single Window, maging ang mga ahensiya ng DTI gaya ng Board of Investment (BOI), Bureau of Product Standards (BPS)at Bureau of Import Services ay hanga sa sistema ng PDEA Compliance Service (PDEA-CS) kaugnay sa hassle-free  at maikling oras na pagproseso at pag-apruba sa mga lisensiya at permits.

Dahil dito, gusto ng DTI na gayahin ng iba pang ahensiya ang nasabing proseso kung saan ginagamit ng PDEA ang sistema ng National Single Window sa mga nasabing pagpoproseso.

Ayon kay PDEA Director General Jose S. Gutierrez , ang PDEA–CS ang nagmo-monitor sa galaw ng mga kontroladong kemikal para maiwasan ang diversion ng mga ito at sila rin ang  nag-iisyu ng mga lisensiya at permits sa mga industry partners, medical practitioners, pharmaceutical companies, suppliers at retailers para sa importation, distribution, manufacture, prescription, dispensing at pagbebenta ng  dangerous drugs at mga chemicals.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply