Protesta laban sa budget cut suportado ng CBCP

SUPORTADO ng mga obispo ang kilos protesta ng mga estudyante laban sa “budget cut” sa mga estate colleges at universities sa bansa.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, karapatan ng mga estudyante na ihayag ang kanilang hinaing at ipanawagan sa pamahalaan na pagkalooban sila ng maayos at dekalidad na edukasyon.

Giit ng Obispo, hindi magkakaroon ng maayos na lipunan at maunlad na bansa kung bagsak ang kalidad ng eduaksyon sa bansa.

“Tama lang ang ginawang protesta ng mga estudyante. They are correct that they should give priority to education. I don’t know why they cut the budget of education especially in state colleges and universities. For me education is the most important thing for our people. So, I support the students and teachers to do that. Education is the number one need of the people. How can we develop good people, how can we develop our citizenry if we don’t give them good and quality education!” bahagi ng pahayag ni Bp. Bastes sa panayam ng Radyo Veritas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply