Protesta ng informal settlers sa QC nagdulot ng trapik

BUMAGAL at sumikip ang daloy ng trapiko ngayon sa north bound ng Quezon City matapos magprotesta ang 100 residente na apektado ng demolisyon sa nabanggit na lugar.

Ang mga informal settler ay nagtipun-tipon upang mag-rally sa Trinoma Mall, sa EDSA.

Base sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagsimula ang mga residente ng kanilang pagpoprotesta mula sa Quezon City Hall.

Ayon sa MMDA, tinulungan ng militanteng grupo na Kadamay at ng Confederation for the Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) ang mga nagpoprotestang residente.

Nakisama rin sa protesta ang mga residente na na-relocate sa Rizal Province na mula sa QC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply