Protesta tuloy sa kulang na badyet sa SUCs

NAGBABALA ang mga estudyante na magpapatuloy ang kanilang protesta hanggang sa dagdagan ng pamahalaan ang alokasyon para sa “state universities and colleges” (SUCs).

Tahasang sinabi ni Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino na hindi titigil ang mga estudyante na magprotesta upang dagdagan ng pamahalaan ang pondo para sa SUC gayung nagawa ng administrasyon na maitaas ang alokasyon para sa conditional cash transfer (CCT) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Palatino ang buong linggong ito ay inilaan para sa “strike week” ng mga estudyante na magtatapos sa Setyembre 23.

Sinabi pa ni Palatino na hindi makatarungan ang pagsusulong ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino na bawasan ang pondo ng SUCs bilang bahagi ng long-term plan ng education reform project.

Nauna ng nagsagawa ng protesta ang Polytechnic University of the Philippines (PUP), Philippine Normal University (PNU), Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), Rizal Technological University (RTU) at ngayong araw ay ang University of the Philippines (UP) kasama ang kanilang staff at faculty.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply