Provincial Forum para sa OIC ng ARMM sisimulan

SISIMULAN na ngayon, Setyembre 12, ng  Provincial Forum ang  shortlist ng itatalagang officer-in-charge (OIC) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay DILG–ARMM Sec. Haron AlRashid Haron.sabay-sabay na gagawin ang Public Forum sa limang probinsiya ng ARMM para salain ang itatalagang OIC.

Ang public forum ay dadaluhan ng mga aplikanteng nasa shortlist sa posisyon ng assemblyman sa Regional Legislative Assembly.

Tatanungin ang mga aplikante tungkol sa kanilang agenda at programa para sa ipinatutupad na reporma sa ARMM.

Samantala bukas, Setyembre 13, ay naka-schedule ang Regional Forum para naman sa posisyon ng Regional Governor at Vice Governor na gagawin sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa Cotabato City. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply