Public transportion, ipaparalisa bukas

HINDI na maaawat ang transport strike bukas ng mga militanteng grupo ng mga tsuper at operators, bilang protesta sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Modesto Floranda, ang pangulo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) sa National Capital Region, all set na ang kanilang paghahanda para sa gagawing tigil-pasada.

Sa pagtaya ni Floranda, maliban sa 22 libong jeepney drivers na lalahok sa gagawing protesta, inaasahan din umanong sasabayan ito ng  iba pang transport groups at grupo ng mga manggagawa.

Una rito, muling pinaalalahanan ng Malacañang ang grupong Piston na mag-isip-isip sa kanilang binabalak na tigil-pasada bukas.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dapat alalahanin ng jeepney drivers at operators na may kaakibat na obligasyon ang hawak nilang prangkisa.

Pero ayon kay Valte, hindi naman dapat mabahala ang publiko dahil handa ang gobyerno sa transport strike.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply