Pulikat

MASAKIT, halos mamilipit at mapamura ka sa sakit kapag nagising ka na pinupulikat ang iyong mga binti at iba pang parte ng iyong katawan.

Kung minsan pa ay halos mapaiyak ka na at mapasigaw upang gisingin ang iyong kasama para tulungan ka sa iyong pinupulikat na binti.

Ang pulikat o cramps ay dahil sa muscle contraction o overshortening.

Kadalasang sanhi ng muscle cramps ay ang muscle fatigue, low sodium at low potassium.

Mayroon din namang smooth muscle cramps na maaaring dulot ng menstruation (sa babae) o gastroenteritis.

Nocturnal leg cramps

Ang Nocturnal leg cramps ay ang involuntary muscle contractions na nagaganap sa calves, soles ng mga paa o iba pang muscles sa katawan tuwing gabi habang natutulog o nagpapahinga.

Iilang fibers ng muscle ang nasa spasm. Ito ay maaaring mabilis lang na may ilang segundong pananakit o kaya naman ay kasing tagal ng ilang minuto.

Minsan kahit tapos na ang pulikat ay nananatili pa rin ang pamamaga ng muscle.

Ayon sa mga eksperto, mas karaniwang nangyayari ito sa mga matatanda kaysa sa mga teenager at ilang taong nag-eehersisyo sa gabi.

Mainam na pantanggal ng pulikat ay ang paglalakad ng ilang distansiya.

Ang Nocturnal leg cramps ay maaari ring ma-relieve sa pamamagitan ng stretching sa affected leg at pagpo-point ng toes pataas.

Kung tatayo at maglalakad-lakad mas mabilis na mawala ang sakit na nadarama.

May mga cramps na tumatagal ng ilang araw bago tuluyang malawa ang sakit o yung pakiramdam na pinulikat.

Bukod sa matatanda, ang pulikat ay madalas din sa mga buntis na nasa late stages na ng kanilang pregnancy. Maaaring ang sakit nito ay mild lamang hanggang extremely painful.

Pag-iwas sa pulikat

1. Huminga ng malalim.

2. Uminom ng maraming tubig. Laging uminom ng maraming tubig lalo na kung pinagpapawisan.

Kapag pinagpapawisan kasi ay nagre-release ang katawan ng asin na nagiging sanhi ng pagkasira ng balance ng electrolytes at asin.

Kapag nangyari ito, ang cells ay mamamaga na magiging dahilan ng pagkapit ng calcium na nagpapanatili sa muscle contraction.

Maiiwasan ito kung iinom ng sapat na dami ng tubig. Uminom ng tubig kada 15 minuto tuwing nag-eehersisyo.

Pinapayo rin ng uminom ng tubig bago matulog.

3. Kumain ng pagkaing mayaman sa potassium. Kabilang sa mga pagkaing mayaman sa potassium ay ang avocado, patatas, saging, broccoli, orange juice, soybeans, apricots at raisins. Ang 1 cup ng raisins ay may 1,089 mg ng potassium, habang ang isang cup ng saging ay may 594 mg.

Kapag ikaw ay mai-involve sa isang gawain o sports na talagang pagpapawisan ka ay mabuti na komunsumo ng pagkaing mayaman sa potassium.

4. Magpaaraw. Isa sa dahilan ng pulikat ay ang kakulangan sa vitamin D, na bitamina na makukuha sa sa sinag ng araw.

Mainam na magpaaraw tuwing umaga araw-araw ng ilang minuto para makakuha ng sapat na vitamin D.

Ang pag-i-inhale at exhale ng ilang minuto ay mas mainam sa katawan.

5. Uminom ng gatas. Ito ay magandag source din ng vitamin D, na magre-reduce sa tiyansang pulikatin.

Isang baso ng gatas araw-araw ay makatutulong para makaiwas sa pulikat at upang mapalakas ang mga buto.

6. Sa mga nag-eehersisyo, mabuting mag-stretching bago at pagkatapos ng work out. Since ang cramps ay sanhi ng muscle fibers overtightening, na maaaring dahil sa hindi pag-e-stretching.

Warning

Ang excessive cramping o painful cramping ay maaari ring maging senyales ng kumplikasyon habang nagbubuntis, may kidney disease, thyroid disease, restless leg syndrome (RLS), multiple sclerosis, hypokalemia, o hypocalcemia. Dahil dito, pinapayuhan na komunsulta sa inyong doktor.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply