Pulis bumaba sa brgy. para bumaba ang krimen

ANG Lily’s Files column natin ay  hindi lang bumabatikos o pumupuna sa mga katiwalian sa ating lipunan, marunong din tayong pumuri at magpasalamat sa mga taong karapat-dapat na purihin at pasalamatan maging ang mga ito ay taong-gobyerno o pribado.

Katulad nitong si Supt. Norberto Babagay, hepe ng Galas Police Station 11 ng Quezon City Police District (QCPD).

Alam ni Col. Babagay na malayo ang loob ng publiko sa ating mga kapulisan kaya ang una niyang ginawa nang siya’y maupo bilang Station Commander ay sinuyo ang 12 barangay chairman na kanyang nasasakupan.

At para maipakita ang kanyang katapatan ay minabuti nitong si Col. Babagay na gawin sa mga Barangay ang kanilang Flag Ceremony tuwing Lunes ng umaga sa halip na sa kanilang presinto.

Tuwang-tuwa ang 12 Barangay Chairman sa Galas  dahil bukod dito ay nararamdaman din nila na binibigyan sila ng importansiya ng mga pulis.

Linggo-linggo ay nagbibigay ng kopya ng mga spot report ng mga nangyayari sa kanilang lugar si Col. Babagay sa 12 kapitan.

Madalas ding makipag-ugnayan si Col. Babagay sa mga opisyal ng

barangay kaya maganda ang nagiging relasyon ng  ating kapulisan sa

mga residente ng Galas.

Marahil ang ginagawang ito ni Col. Babagay ang naging dahilan para

bumaba ang crime rate sa 12 mga barangay.

Ayon sa ating nakapanayam na  mga residente ng Galas,  epektibo

raw ang ginagawang ito ni Col. Babagay dahil ultimo ang insidente

ng akyat-bahay ay malaki ang nabawas.

Sana ay pamarisan ng mga station commander hindi lang sa QCPD kundi maging sa buong bansa ang ginawang ito ni Col. Babagay at baka sakaling manumbalik ang pagtingin ng publiko sa ating mga kapulisan.

QCPD Director, Gen. George Regis, pag-aralan ninyong mabuti ang ginawang paglapit ng ating kapulisan sa barangay at kung makikita

mong maganda ang magiging resulta ay ipatupad mo sa  iyong mga station commander.

Wala akong nakikitang masama sa ginawang pagbaba ni Col. Babagay para maabot ang pulso ng  mamayan sa kanyang nasasakupan.

Sa katunayan ay saludo ako rito sa ginawang ito ni Col. Babagay at sana pamarisan din ito ng ating iba pang kapulisan na humahawak din ng mga maseselang puwesto sa Philippine National Police (PNP).

Maganda ang ginawa mong ito, Col. Babagay, sir. Sana nga lang magtuloy-tuloy ito at hindi sana  maging ningas-kugon lang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply