Pulis, dating sundalo nasa drug list

ISINUMITE ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kay Davao City Mayor Sara Duterte ang listahan ng drug personalities sa lungsod kabilang dito ang dating sundalo at isa pulis.

Ayon kay mayor Duterte, ang tinutukoy na pulis ng PDEA ay may ranggong Police Office 2 – ang ikalawang pinakamababang ranggo sa Philippine National Police (PNP).

Kasama rin sa listahan ang ilang empleyado ng gobyerno at mga negosyante na sinasabing may malakas na koneksiyon sa military, pansamantalang ikinubli ng alkalde ang mga pangalan ng mga ito.

Sa mga nakatala sa listahan ng PDEA, walang opisyal ng gobyerno ang nasasangkot sa bawal na gamot.

Napag-alaman na nagbibigay ulat ang kay Duterte ang PDEA sa Davao Region kada buwan para ma-aksiyunan ng Davao City Police Office (DCPO) at Task force Davao (TFD).

Sinabi ni Duterte na ipagpapatuloy niya ang random drug tests sa pamahalaang lungsod hanggang sa matapoos ang kanyang termino sa taong 2013 at nais niyang malinis ang buong City Hall sa mga drug user o empleyadong nalululong sa droga.

Binalaan din ng alkalde ang mga empleyado ng gobyerno na agad niyang sisibakin ang mga ito sakaling mapatunayang nasasangkot sa illegal drugs.

Hiniling ng alkalde sa pamunuan ng PDEA na ipagpatuloy ang operasyon sa illegal drugs at sampahan ng kaukulang kaso ang mga taong nasasangkot sa ipinagbabawal na gamot

Sa ibinigay na report ni Emerson R. Rosales, PDEA-Davao Region officer in charge, nakasaad na ang ahensya ay nakadakip na ng 209 katao, 18 ang  minors, mula pa nitong Enero ng taong kasalukuyan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply