Pulis na bumaril sa seaman, tiklo

INARESTO ng kanyang kabaro ang isang pulis na hinihinalang bumaril at nakapatay sa isang seaman dahil sa away trapiko.

Hindi muna inilabas ang pangalan ng pulis hangga’t hindi ito kinukumpirma ng kamag-anak at kasama ng biktimang si Daniel Grey noong naganap ang pamamaril.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, minamaneho ni Grey ang itim nitong Toyota Vios nang mabangga sa likuran ng isang Mitsubishi Lancer GLXi na may plakang UEC-374 sa panulukan ng Sta. Monica at Del Pilar Streets sa lungsod ng Maynila. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek na humantong sa pamamaril ng huli.

Tinamaan sa dibdib ang biktima na ikinasawi nito.

Nagtungo naman ang kasama ni Grey sa MPD Homicide Section para kilalanin ang nahuling suspek na pulis.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply