Pulis na nanapak ng tibo kalaboso

KULONG ang isang pulis matapos sapakin ang kapitbahay na tibo sa harap ng tatay ng huli sa Caloocan City Sabado ng gabi.

Kinilala ang pulis na si PO3 Jessie Quinto, ng General Terona, Bagong Barrio at nakatalaga sa Highway Patrol Group sa Camp Crame.

Sa pahayag ni Mary Grace Aparece, 20, alas-7 ng gabi, tinawag ng biktima ang kanyang ama na si Mang Moises na nakikipag-inuman kay Quinto upang magluto ng ulam.

Lumabas sa pinag-iinuman si Mang Moises subalit sumunod si Quinto na nagalit sa biktima at sinapak ang huli.

Namaga ang mukha ng biktima na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis at arestuhin ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply