Pulis pinatay habang kumakanta sa videoke

POSIBLENG paghihiganti ang nasisilip na motibo ngayon sa pakakapatay sa isang pulis makaraang pagbabarilin kagabi (Setyembre 18) ng isang armadong lalaki sa Pasay City.

Patay na nang idating sa Manila Sanitarium hospital bunga ng apat na tama ng bala sa mukha ang biktimang si PO2 Joey Salazar, 44, nakatalaga sa RPHAU, National Capital Regional Police Office, Taguig City at residente ng No. 170 M. Santos st., Pasay City.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Roy Ramos ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), ang insidente ay naganap dakong alas-10:00 kagabi sa F. Victor st., Tramo, ng nabanggit na lungsod.

Una rito, ang biktima ay naimbitahan sa isang binyagan sa naturang lugar kasama ang ilan sa mga kaibigan.

Kumakanta sa videoke ang biktima nang dumating ang suspek na kinilala lamang sa pangalang “Junior Asin” at sinamantala ang pagiging abala ng biktima sa pagkanta.

Agad na pinaputukan ng ‘di pa alam na kalibreng baril ang biktima sa mukha at bumagsak na duguan pero namatay rin pagsapit sa pagamutan.

Ang suspek ay tumakas dala ang baril na ginamit sa pamamaslang.

Napag-alaman na noong Disyembre 30, 2002, nasangkot si PO2 Salazar kasama ang pinsan nito sa pagpatay sa tatlo katao at malubhang pagkakasugat ng isang pulis Maynila at pinsan nito sa Pasay City. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply