Pulitika sa promosyon ng AFP officials kakalusin

KAKALUSIN ni Sen. Antonio Trillanes IV ang pamumulitika sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng pagtanggal sa kumpirmasyon ng Commission on Appointment (CA) ang promosyon ng koronel hanggang heneral maliban sa posisyon ng chief of staff at hepe ng tatlong sangay ng militar.

Sa inihain na Concurrent Resolution No. 9, layunin ni Trillanes na amyendahan ang Section 16, Article VII ng Konstitusyon na nag-uutos na kailangang aprubado ng CA ang pagtatalaga ng Pangulo sa mga opisyal ng AFP mula koronel o naval captain.

Batay sa kanyang panukala, ililipat sa AFP at Department of National Defense (DND) ang pangangasiwa at pagdedesisyon sa pagtatalaga o promosyon ng lahat ng mga koronel at heneral liban sa mga service heads ng Army, Air Force at Navy sa paniniwalang ang mga ito ang mas nakaaalam sa kakayahan at kuwalipikasyon para sa mga nasabing posisyon.

Ayon kay Trillanes, ang sistema ng pagsasalang sa CA ng mga koronel at ibang mga heneral ay nauuwi sa matinding pulitika at pagkakawatak-watak sa loob ng AFP.

“Military officers up for appointment or promotion are being forced to play politics and kowtow to the desires and wishes of politicians in order to ensure that their appointments or promotions shall not be unduly blocked, regardless of the merits of such appointments or promotions,” ani Trillanes.

“Hence, this requirement is also adversely affecting the promotion system in the AFP, which is supposed to be based principally on merit, fitness and qualifications instead of political connections,” idinagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang sasailalim na lamang sa proseso ng confirmation sa CA ay ang Chief of Staff ng AFP at mga pinuno ng tatlong sangay ng Sandatahang-Lakas – Army, Air Force at Navy.

Sinabi pa ni Trillanes: “Needless to state, the Office of the President, and the promotions board of the AFP and the DND are more than qualified and equipped to screen, vet and decide who among the officers of the AFP are qualified for appointment or promotion.  Hence, the requirement of compelling all officers of the AFP from the rank of colonel or naval captain to undergo the confirmation process is clearly superfluous.”

Bilang dating Navy officer, pinagpapatuloy ni Trillanes ang pagsulong sa reporma at kapakanan ng mga kasundaluhan sa Kongreso.  Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply