Pulitikong sasalo sa tiwali sa BoC ibubuko

IBUBULGAR ko sa publiko ang mga pulitiko na padrino ng mga tiwaling opisyal sa Bureau of Customs,” ang mariing pahayag ng bagong Customs commissioner na si Rozzano Rufino Biazon.

Ayon kay Biazon sa isang pulong balitaan, binigyan umano siya ng impormasyon ng dating commissioner na si Angelito Alvarez kung sinu-sino ang mga sumasalo sa mga opisyal ng Customs kapag nabubulilyaso ang raket ng mga ito.

Karamihan sa mga ito umano ay “high profile” at kabilang sa administrasyon .

Bilang isa ring pulitiko, kaya umano ni Biazon na harapin ang mga ito sakaling lumapit sa kanya para sa anumang pabor. Sasabihin umano ni Biazon na may tungkulin siyang dapat gampanan at alam niyang mauunawaan siya ng mga padrinong ito.

Aapela umano siya sa mga padrino na tulungan siya at huwag pahirapan sa kanyang trabaho. Kung hindi umano pumayag ang mga ito ay bibigyan  niya ang mga ito ng  pananagutan. Hahanga pa umano si Biazon sa mga ito kung hindi kukunsintihin ang mga alagang opisyal sa BOC.

Isinalaysay ni Biazon na upang makasiguro na wala siyang utang na loob sa sinumang putlitiko, bago tanggapin ang posiyon bilang commissioner ay tinanong niya ang Pangulong Benigno Aquino III kung may nagrekomenda ba sa kanya na pulitiko o sinuman. Sumagot umano ang Pangulo na walang impluwensya ang sinuman sa ginawa niyang pagpili. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply