Puno, Versoza, muling igigisa sa chopper mess

GIGISAHING muli ng Senate Blue Ribbon committee ang partisipasyon nina dating Interior Secretary  Ronaldo Puno at ex-Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jesus Versoza sa maanomalyang bentahan ng lumang helicopter sa PNP noong 2009.

Sa media advisory na ipinalabas ng komite, sinabi ni Sen. Teofisto Guingona III na ipagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang anomalya sa bukas (Martes, Setyembre 13) upang makasinop ng kaukulang impormasyon sa paghahain ng panukalang batas.

Layunin ng imbestigasyon na lumikha ng kaukulang batas upang tuluyan nang masugpo ang katiwalian at anomalya sa pulisya at maitaguyod ang transparency at accountability sa gobyerno.

Ayon kay Guingona, inimbitahan muli ng komite sina Puno at Versoza kabilang si dating Napolcom commissioner Celia Sanidad-Leones na siyang maaaring may kinalaman sa pag-aapruba ng proyekto.

Kabilang sa inimbitahan ng Senado sina Napolcom Asst. Secretary Oscar Valenzuela, Dir. Conrado L. Sumanga Jr., (Installations and Logistics Service), Adelmalyn Munieza (Head Secretariat); P/Dir. Samuel D. Pagdilao Jr. (Director, Criminal Investigatiobn and Detection Group);  P/Dir. Luizo C. Ticman (Chairman, Negotiation Committee/ Vice Chairman, NHQ BAC); P/Dir. George Piano (Former Director for Logistics, Chairman Inspection and Acceptance Committee, Provisional Member for Goods, NHQ BAC); P/Sr. Supt. Lurimer Detran (Head, NHQ BAC); Supt. Claudio DS Gaspar Jr.  and  Supt. Larry Balmaceda, Inspecting team member of RP 4357 and RP-4250; at isang  Miguel Coronel.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply