Puno, Versoza sabit sa chopper fiasco

NAPATUNAYAN ni Sen. Teofisto Guingona III na talagang sabit sina dating Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno at dating PNP chief Director-General Jesus Versoza sa maanomalyang bentahan ng helicopter sa Philippine National Police (PNP).

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa chopper fiasco, pinatunayan ni Adelmalyn Munieza, head ng Secretariat ng National Police Commission (Napolcom) na walang ginawang sertipikasyon sina Puno at Verzosa na nagpapatunay na legal at sumunod sa batas ang pagbili ng helicopter.

Tinatanong ni Guingona si Munieza kung Nakatanggap siya ng sertipikasyon mula kina Puno at Verzosa na magpapatunay na tama at tumpak ang supply contract sa pagbili ng helicopter alinsunod sa Executive Order No. 423 na nangangailangan ng sertipikasyon sa hepe ng ahensiyang bibili ng anuman na nagkakahalaga ng P500 milyon pababa.

Ayon kay Guingona, nilabag nina Puno at Verzosa ang EO 423 na inaatasan ang lahat ng hepe ng ahensiya na bibili ng anuman na nagkakahalaga ng P500 milyon pababa na dapat gumawa ng comprehensive report na magsesertipikang dumaan sa proseso ng pagbili.

“Walang ginawang (comprehensive) report ang oversight committee before the supply contract was approved and the Notice to Proceed was also approved on the same date,” ayon kay Guingona.

Ayon kay Guingona, lantarang paglabag iyon sa EPO 423 na espisipikong nasasabi na ”on all government contract involving P500 million below, the head of the agency, shall have the full authority before final approval.”

“Also under EO 423, the head of the agency, which is Puno at Versoza, shall make certification (on a comprehensive report) under oath that the contract has entered into in faithful compliance of all existing laws, rules and regulations (pertaining to procurement), and there should be a comprehensive review of the oversight committee,” ayon kay Guingona.

“Walang ginawang certification ang head of the agency, which is in violation of the procurement law, and also in violation on the principle of transparency and accountability of public officers,” paliwanag ni Guingona.

“The secretary should issue a certification before the notice to proceed, hindi ginawan un,” patapos ng senador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply