Puno’t dulo maghaharap sa NC Men’s basketball

TARGET ng walang talong San Sebastian College-Recoletos Stags na mapanatili ang malinis na record kontra sa kulelat na UPHDS Altas habang papalapit ang pagtatapos ng double round eliminations sa The Arena sa San Juan City ngayong hapon (Miyerkules, Setyembre 14).

Susundan ito ng labanan ng San Beda Red Lions (10-1) at ng Jose Rizal Heavy Bombers (4-9) alas-4:00 ng hapon. Nananalig si coach Topex Robinson ng Stags na muling mangunguna si Calvin Abueva sa paghahatid ng panalo kasunod ng pagdedeliber niya ng double-double figures na 27 points at career-high na 20 rebounds sa panalo nilang 86-70 sa St. Benilde Blazers noong nakaraang linggo.

Ang Red Lions ni head coach Frankie Lim ay may bahagyang alinlangan sa pagharap sa Heavy Bombers na naghahabol naman sa kanilang panglimang panalo matapos na paluhurin ang Arellano Univesity Chiefs noong Lunes sa score na 79-69.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply