Estudyante niluray, binuntis ng Math teacher

INAKUSAHAN ng rape ang isang math teacher sa isang national high school ng 17-anyos na estudyante na ngayon ay buntis na sa bayan ng Malapatan, Sarangani.

Sa reklamo na isinampa ng estudyante sa provincial prosecutors office, kinilala nito ang nanggahasa sa kanya na si Josue Canillo, at umaming nakipagtalik sa guro ng tatlong beses simula noong Marso 3, sa loob ng kanilang silid-aralan dahil sa pagbabantang sasaktan kung hindi siya papayag.

Natuklasan ang buong pangyayari ng mga magulang ng biktima nang mapansin ang paglaki ng tiyan ng dalagita na nasa ika-limang buwan na ng pagbubuntis.

Binigyan ng piskal ang suspek ng sampung araw para maghain ng counter-affidavit, bago sampahan ng kaukulang pormal na kaso ng rape at violation of the anti-child abuse law ng tatlong ulit sa korte.

Nabatid na nagtatago ang suspek simula pa noong Lunes subalit nagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng text sa mga magulang ng biktima at humihingi ng amicable settlement sa pamilya na tinanggihan naman.

Ayon sa magulang ang biktima , maliban sa kasong kriminal ay magsasampa din sila ng reklamong administratibo laban sa suspek sa Department of Education.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply