Puro slogan na lang

ANG bagong secretary of tourism ay isang taong bihasa sa paggawa ng mga commercial at advertising copy.

Hindi ‘yan sapat para mabuhay nang masagana ang ating tourism industry.

Ang dating tourism secretary natin ay milyon-milyong piso ang ginasta para baguhin ang Wow Philippines na slogan.

Kapangit naman at kinopya lang pala sa ibang bansa.

Ang sabi ng bagong tourism secretary ay chicken feed lang ang pag-asenso ng tourism.

Para lang daw chicken joy.

May kayabangan din naman pala ang bagong tourism secretary natin.

Hindi dahil sa kanyang slogan kaya sumikat ang chicken joy, maski itanong niyo pa sa mga chef at cook.

Kung masarap ang produktong ito ay dahil sa masarap itong kainin at mahusay ang cook o chef.

Ang kailangan natin ay isang mahusay na tagapagluto, hindi tagagawa ng slogan lamang.

Ang sabi nga ng mga Inglesero, the proof of the pudding is in the eating.

Dagdagan mo man ng katakot-takot na commercial ay wala rin kung ayaw namang kainin ng mga tao dahil hindi ito masarap.

Noong nakaraang eleksyon ay milyong piso ang ginasta ng mga pulitiko para sa kanilang mga slogan.

Nariyan ang matuwid na daan ni kandidatong PNoy noon.

Kung walang corrupt, wala ring mahirap na parang kinopya lang kay Erap.

Nariyan din ang bawal ang wangwang ng Pangulong Benigno Aquino
III.

Siyempre, laganap pa rin ang corruption sa lahat ng dako.

Nariyan pa rin ang mangongotong na tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang mga kotong cop, mga bandit in robe at marami pang iba.

Halos wala nang wang-wang, pero ano ang nangyari sa counterflow?

Ganyan din sa tourism.

Kung wala ang mga turista, wala ring tourism industry.

Pero, ang sabi ng bagong kalihim ng turismo, ang pinakamahalaga ay ang law and or-der, facilities para sa mga turista at mga produktong tatangkilikin ng ating mga bisita.

Samakatuwid, hindi pa man ay nakahanda na ang ating new tourism secretary na sisihin ang mga pulis, ang mga corrupt, ang mga bobo

sa traffic management at ang ating kasalukuyang tourism infrastructure na kulang na kulang.

Defense mechanism ang tawag diyan.

Hindi slogan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply