Pwede, pwede!

PERSONAL kong kilala si Retired General Danilo Lim. Nakasama ko siya sa pangangampanya noong tumakbo siya sa pagka-Senador nitong nakaraang eleksyon ng 2010.

Ang pinakamaaalala mo kapag nakasama mo si Danny ay kung gaano niya pinahahalagahan ang kanyang prinsipyo bilang sundalo, bilang asawa at ama, bilang kaibigan at bilang isang Filipino.

Nang umugong ang bulung-bulungan na isa si Danny sa mga inirerekomenda kay Pangulong Noynoy Aquino para maging Commissioner ng Bureau of Customs, excited ako.  Nakita ko agad kung gaano magiging positibo ito para sa ahensya na pinaniniwalaan na pinakakorap daw.

Na-imagine ko agad kung anong klaseng pagbabago ang pwedeng mangyari sa Customs kapag si Danny ang namuno roon. Isang matapang na Heneral, isang taong galit sa kurakot at isang public servant na ang pinaka-importanteng plataporma ay ang kanyang anti-corruption campaign.

Nakilala si General Danny Lim dahil sa pakikipaglaban niya sa korapsyon sa gobyerno. Bilang isang sundalo, isinugal nya ang kanyang sinumpaang pangako na susunod lang siya sa kanyang mga senior at sa halip ay nagsulong ng kakaibang serbisyo sa bayan na ang iginigiit ay lumaban ng harapan sa mga elemento ng korapsyon at katiwalian sa pamahalaan.

Pero hindi raw si Danny Lim ang magiging BoC Commissio-ner.  Na-disappoint ako.

Si Danny sana ang perfect choice.

Pero baka raw maging Deputy Commissioner ng BoC din naman si Danny. Pwede,
pwede! Magiging mata si Danny sa BoC kahit hindi siya ang pinakamataas na opisyal doon. Hindi sya mangingimi na isiwalat ang anomang baho o katiwalian na kanyang mapatu-tunayang totoong nagaganap sa Customs.

Sana ay ma-appoint na si Danny sa BoC. Maraming nasasayang na panahon, maaaring nagpipyesta ang mga korap dahil hindi malinaw ang liderato ngayon sa Customs at sinasamantala nila ito.

Bilang na ang mga araw ng harapang kurakutan sa BoC, pag-na-appoint si Danny bilang Cus-toms Commissioner, sana.  Pero kung bilang Deputy Commissioner naman ay ganundin – humanda kayong mga korap kayo, parating na ang isang taong maaaring makatutulong sa bayan para mapa-kinabangan ng bansa ang Bureau of Customs.

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply