QCPD-DAID: Na-wow mali sa pinasok na bahay

KATANGAHAN nga bang maituturing o sadyang sobra lang ang tiwala sa sarili ng mga operatiba ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) ng Quezon City Police District (QCPD) kung  kaya kinuyog sila ng mga residente ng Brgy. Culiat sa Quezon City sa kanilang ginawang drug operation noong Martes ng hapon.

Sinasabing anim na operatiba ng QCPD-DAID ang nagsagawa ng drug operation sa bahay ng isang nagngangalang “Bunso” ngunit na wow mali ang mga pulis at pumasok sa loob ng compound at bahay ng isa umanong abogado ng Muslim  Affairs.

Habang nasa loob ng nasabing bahay ay ini-lock daw ng mga residente ang gate ng compound at nagkaroon ng people power sa labas ng  bahay ng abogado.

Pinagbabato at kinuyog ang mga pulis at sa katunayan isang pulis ang nasugatan, at dahil sa takot ng anim na pulis na makatay sa loob ng Salam Mosque ay tumawag at humingi sila ng tulong sa QCPD Headquarters sa Kampo Karingal.

Agad namang tumugon ang mga tauhan ng SWAT at ni-rescue ang anim na operatiba ng DAID at agad na dinala sa Kampo Karingal.

Hindi pa man nagtatagal sa QCPD Headquarters ang mga  ope-ratiba ng DAID ay isang text ang kanilang natanggap na pinatay daw ang kanilang Muslim na asset na si alyas ABS.

Bagama’t itinanggi ng mga taga DAID na asset nila ang pina-tay ay nakumpirma ng inyong lingkod na  itong si ABS ay asset nitong pulis ng DAID na nagngangalang “Dulay.”

Sa palpak na operasyon na ito ng DAID, dapat ay mayroong maparusahan, hindi lang ang kanilang hepe na si Sr. Insp. Richard Ang, kundi maging ang mga sangkot na operatiba.

Ang tanong ng mga opisyal at ibang pulis sa Kampo Karingal, kaya bang sibakin ni QCPD Direc-tor, Chief Supt. George Regis, si Major Ang?

Marami ng palpak na tra-baho ang mga tao nitong si Ang pero naging bulag at bingi dito si Gen. Regis, kaya malakas  ang loob na gumawa ng mga katarantaduhan ang mga taga DAID.

Sa nakarating na impor-masyon sa inyong lingkod,  personal daw na  nagpunta kay PNP Chief, Directior General Nicanor  Bartolome, ang  may-ari ng bahay na pinasok ng mga taga DAID para magreklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply